FANDOM


Aang


Avatar Aang, isang Air Nomad, ay ang kasalukuyang Avatar, ang anyo ng mundo bilang tao at ang natatanging nilalang sa mundo ng Avatar na makakagamit ng apat na disiplina ng bending: Airbending, Waterbending, Earthbending and Firebending. Isa rin siya sa iilang mga Avatar na gumamit ng Energybending, maging sa buong serye.


Sa simula ng serye, si Aang ay nakulong sa isang malaking bilog ng yelo sa loob ng 100 taon. Sa kabila ng nag daang taon, siya ay nanatiling may itsura ng isang batang labindalawang gulang sa panahon ng digmaang pandaigdig. Noong mga panahong wala siya ay nagsimula ng digmaan ang Fire Nation laban sa iba pang mga bansa at nagawang patayin lahat ng mga Air Nomads. Nakasalalay ngayon kay Aang, ang natatanging Air Nomad na tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng pag-aaral ng tatlo pang elementong bending at talunin si Fire Lord Ozai. Sa kabila ng mga pasan na responsibilidad na kanyang namana at sa pagkawala ng kanyang mga kalahi, siya ay nanatiling mabuti sa kapwa at masayahin.